Magiging kandidato ng Liberal Party para sa 2016 Presidential elections, iaanunsyo ng Pangulo pagkatapos ng kanyang huling SONA

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 1285

standard bearier
Nananatiling si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pangunahing ikinokonsidera ni Pangulong Aquino bilang standard bearer ng Liberal Party sa 2016 Presidential elections.

Ngunit ayon sa Pangulo, patuloy pa rin ang pag-uuusap ng mga miyembro ng partido kung sino ang kaniyang pinal na ieendorso sa 2016 at iaanunsyo niya ito pagkatapos ng kaniyang huling State of Nation Address sa Hulyo.

Tumanggi munang magsalita ng Pangulo sa isyu kung ikinokonsidera rin niya si Senator Grace Poe bilang running mate ni Roxas.

Si Poe ang isa sa mga kinumpirma ng Pangulo na kaniyang kinausap na kaniyang pinaniniwalaan na makapagpapatuloy ng kaniyang mga nasimulang reporma.

Kaugnay naman sa usapin ng posibleng epekto ng mga isyung kinakaharap ngayon ni Vice President Jejomar Binay sa pagtakbo nito sa darating na eleksyon, ayon sa Pangulo mas mabuting si VP Binay na ang sumagot sa isyung ito.

Pinasalamatan ni VP Binay ang Pangulo sa kanyang naging pahayag at sinabing hindi pa sila makasagot sa isyu dahil wala pa naman silang kopya ng ulat na mula sa AMLAC kaugnay ng isyu sa 250 million peso unexplained wealth. ( Nel Maribojoc /UNTV News )

Tags: , ,