Magdamag na rescue operations, isinagawa sa Tarlac dahil sa epekto ng bagyong Lando

by Radyo La Verdad | October 19, 2015 (Monday) | 1852

BRYAN_TARLAC
Pasado ala syete ng gabi sabay sabay na binaha ang ilang brangay sa Tarlac city dahil sa pagkasira ng Yabutan creak sa barangay San Miguel Tarlac.

Kasabay nito sunod sunod din ang paghingi ng saklolo ng mga kababayan nating na trap sa mga apektadong barangay gaya ng San Rafael, San Miguel, Paraiso, Maligaya at San Francisco.

Natrap din sa gitna ng malakas na agos ng tubig ang 17 katao sa barangay Tinang Concepcion Tarlac hindi na nagawang makalikas pa ng dalawang pamilya dahil sa biglaang pagtaas ng tubig kaya nagtiis na lamang sa bubungan ng bahay ang mga biktima habang nag aantay ng rescue.

Alas 2 na ng madaling araw ng mailikas ang mga biktima sa ligtas na lugar pagkatapos nito agad din tumulak ang grupo sa barangay kaluluan sa nasabing bayan upang ilikas pa naman ang mas marami residente na nakulong din sa tubig ulan.

Samantala 121 pamilya ang inilikas sa dalawang barangay sa bayan ng Paniqui o katumbas ng 376 na individual ito ay sanhi ng pag apaw ng Nambalan river sa bayan ng Mayantoc kahapon ng hapon.

Bukod sa Paniqui apektado rin ang iba pang mga bayan gaya ng Sta Ignacia, San Clemente,Moncada Mayantoc at Camiling.

Pansamantalang isinara ang Camilingan Sur II, III, Poblacion D,E,F at Tuec section sarado rin ang diversion rout sa isinasagawang tulay Tarlac city na maagdudugtong sa bayan ng Lapaz wala paring supply ng kuryente sa ilang barangay sa 9 na bayan ng Tarlac sa dahil sa safety measure.

Wala nag malakas na pag ulan ang naranasan sa magdamag kundi malakas na hampas ng hangin nalamang.(Bryan Lacanlale/UNTV Correspondent)

Tags: , ,