Magdalo Groups susuportahan si Senador Grace Poe kung tatakbo bilang pangulo sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | August 19, 2015 (Wednesday) | 2861

TRILLANES
Si Senador Grace Poe ang napili ng Magdalo Group na susuportahan sa 2016 presidential elections

Ito ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes the fourth na una ng nagdeklarang tatakbo sa pagka-Vice President sa 2016

Ayon kay Trillanes nagsagawa na ng malawakang konsultasyon ang Magdalo Groups sa mga chapter leaders sa nakalipas na linggo at si Poe ang kanilang napili.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 500 thousand card bearing member ang Magdalo Group.

Ipinagtanggol rin ni Trillanes ang mga nag-aakusa kay Poe na hindi ito natural born filipino.

Nagpapasalamat naman si Senador Grace Poe kay Trillanes at sa Magdalo Group

Ayon pa kay Poe saan man sila dalhin ng pagkakataon sa politika, siya ay kaisa nila sa simulain at dedikasyong magsilbi ng tapat sa bayan.

Bukas gugunitain ni Poe sa Manila North Cemetery ang ika-pitumput anim na taong kaarawan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Junior.

May reaksiyon rin si Senator Poe sa pagtatanggol sa kanyang ina na si Susan Roces.

May pahayag rin si Senador Vicente Sotto the third sakaling ipasya nina Senator Poe at Chiz Escudero na mag-tandem sa presidential elections sa susunod na taon.

Sa gitna naman ng isyu ng citizenship laban kay Poe, dinepensahan siya ng palasyo ng Malakanyang at sinabing mismong si DILG Secretary Mar Roxas ay naniniwalang siya ay filipino.

Bagamat may mga isyu na may ilang miyembro ng liberal party na umano’y nasa likod ng pambabatikos sa citizenship ni Poe, ayon kay Sec. Edwin Lacierda hindi reasonable na imbitahan siyang maging Vice Presidential bet kung sila ang nasa likod ng nasabing isyu.( Bryan de Paz/ UNTV News)

Tags: , ,