Magandang ugnayan ng Pilipinas at Amerika, pinagtibay ng dalawang lider

by Radyo La Verdad | November 14, 2017 (Tuesday) | 7080

Tumagal ng halos 40 minuto ang unang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. President Donald Trump sa sidelines ng ASEAN Summit kahapon.

Pinagtibay din ng dalawang pinuno ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos at binigyang-diin ni Pres. Trump ang pagiging kaibigan ng Duterte administration.

Hindi naman tinalakay sa paghaharap ng dalawa ang isyu hinggil sa human rights sa Pilipinas. Sa kabila ito nang mga ulat na bahagyang nabanggit ang isyu kaugnay sa Anti-drug war.

Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, si Pangulong Duterte mismo ang nagbukas ng usapin hinggil sa matinding ng suliranin sa iligal na droga sa bansa at nakisimpatya aniya si Trump hinggil sa domestic problem.

Napag-usapan din sa bilateral meeting ang tungkol sa kalakalan at nagbigay ng suhestyon ang Philippine government na magkaroon ng free trade agreement sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Roque ang dahilan kung bakit umano magkasundo sina President Trump at Duterte.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,