Mag live-in partner na na-aksidente sa motorsiklo sa Caloocan, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | October 18, 2017 (Wednesday) | 2854

Sugatan at nakaupo sa gilid ng kalsada sina Edgar Allan Raca at Rachelle Dadula nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa Caloocan City, pasado alas nuebe kagabi.

Agad nilapatan ng first aid ng grupo si Edgar na nagtamo ng sugat sa kaliwang binti at mga sugat sa kanang braso at kamay  at ang angkas nito na si Rochelle na iniinda naman ang sugat sa kaliwang talampakan siko at kamay.

Ayon kay Edgar, habang binabagtas nila ang kalsada sakay ng motorsiklo ay aksidente nilang nasagasaan ang isang bato dahil sa bilis ng takbo ay tumilapon sila sa kalsada.

Tumanggi na ang dalawa na magpahatid pa sa ospital matapos mabigyan ng first aid.

Samantala, isa namang lasing na motorcycle rider ang bumangga sa SUV ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue sa Bacolod City.

Nagtamo ng gasgas sa labi at iniinda ang pananakit ng tuhod ng trenta anyos na rider na si Pompey Asuncion.

Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang biktima nang tumanggi nang magpadala pa sa ospital.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari , malayo palang ay nakita na nila ang pagewang-gewang na motorsiklo ni Asuncion.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,