Sinalakay ng mga tauhan ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit ang isang unit sa Qubix residences sa Pedro Gil St., Paco, Manila noong Miyerkules. Ito’y upang hulihin ang mag live-in partner na sina Eladio Cabrera at Melissa Cardona.
Ayon kay CIDG-ATCU Chief PSupt. Roque Merdegia Jr., ang dalawa ay inireklamo ng tatlong aplikante na pinangakuang makapagtatrabaho sa Dubai at Qatar.
Sinabi ng isa sa biktima na P30 libong piso ang hinihingi sa kanila kapalit ng affidavit ng sponsorship mula sa opisina ng umano’y consulate ng Pilipinas sa Dubai at Qatar.
Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nalaman ng mga biktima na hindi otorisadong mag-recruit sa kahit anong bansa ang dalawang suspek.
Nakuha sa mga suspek ang mga computer at dry seal ng iba’t-ibang konsulada ng Pilipinas sa Middle East na ginagamit sa pamemeke ng mga dokumento.
Ang dalawang suspek ay kinasuhan na ng illegal recruitment, swindling at falsification of public document.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: CIDG, illegal recruitment, Maynila