Mabilis na pagtaas ng kaso ng diabetes sa Pilipinas, ikinababahala ng mga eksperto

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 3377

DIABETES
Nababahala ang ilang eksperto dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng diabetes sa Pilipinas.

Sa datos ng International Diabetes Federation, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na mabilis ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng diabetes.

Nito lamang 2014 umaabot na sa mahigit tatlong milyon naang kaso ng mga diabetic sabuong bansa na ikinasawina ng halos limamput-apat na libo.

Batay sa pag-aaral ng mga eksperto, posibleng abutin pa ng mahigit sa pitong milyon ang bilang ng mga diabetic sa bansa sa mga susunod na taon, kung hindi ito maaagapan.

Kaugnay nito isang research program ang inilunsad nitong myerkules ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Incorporated na naglalayong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng diabetes sa bansa.

Tags: , ,