Mabagal na pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, tinalakay sa pagdinig ng Kamara

by Erika Endraca | July 8, 2020 (Wednesday) | 2630

METRO MANILA – Nababagalan ang mga mambabatas sa proseso ng pamamahagi ng pangalawang yugto ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng house committee on good governance and public accountability, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit sa 1.3-M  na pamilya pa lamang ang kanilang nabibigyan sa 17-M target benificiaries nito.

Ang tanong ng mga mambabatas, kailan matatapos ang pamamahagi ng sap gayong kailangang-kailangan na ito ng mga benepisyaryo lalo na ang mga nasa ilalim ng mas mahigpit na community quarantine.

Hindi pa makapagbigay ng eksaktong petsa ang DSWD.

Paliwanag nito, binubusisi nilang mabuti ang mga pangalan ng mga benipisyaryo para huwag madoble ang mabibigyan ng ayuda.

Nakasalalay anila ang ikabibilis ng pamamahagi sa listahang ibibigay sa kanilang ng lokal government unit.

“If names are completed or if the deduplication is completed we can finish yung second tranche in just 1 week time with the use of digital. But we are facing some challenges like yung encoded names which we are waiting up to now” ani DSWD Usec. Danilo Pamonag.

Ayon sa DSWD, hindi naman tatagal ng 2 buwan ang pamamahagi gaya ng nangyari sa unang yugto ng SAP.

Sa susunod na linggo ay magsasagawang muli ng pagdinig hinggil sa isyu.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,