Mababang reserba ng kuryente nararanasan ngayon sa Visayas at Mindanao

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 3091

POWER-PLANT
Naka red alert ang Mindanao kahapon dahil nag kulang ng 23 megawatts ang supply ng kuryente.

Bagsak sa ngayon ang Therma South Power Plant kaya kinulang ng supply ang Mindanao at may ilang planta rin ang nasa maintenance shutdown.

kinulang ang reserve ng Mindanao dahil sa mataas na demand dulot ng mainit na panahon.

Kasalukuyang ipinapatupad ngayon ang rotational brownout upang makasapat sa pangangailangan ng buong Mindanao.

Ayon sa Department of Energy, kinausap na nila ang mga taga Therma South at inaasahang makakabalik ito sa linya sa katapusan ng buwan.

Ang buong Visayas naka yellow alert naman kahapon dahil 40 mega watts ang natirang reserba.

Ayon sa DOE, tumataas ang demand sa Visayas tuwing alas siete ng ngunit makaka survive naman ang Visayas dahil naka konekta ito sa Luzon grid na nagbibigay ng kuryente kung kinakailangan.

Matagal ng problema ang supply sa Visayas at Mindanao at lalong lumalala ito tuwing panahon ng taginit.

Ayon sa DOE, malaking tulong pa rin kung magtitipid ang mga consumer sa pagtitipid sa kuryente.

Tinatayang magiging sapat ang supply ng kuryenye sa Visayas at Mindanao sa Mayo dahil matatapos na ang maintenance shutdown ng mga planta.

Mas gaganda pa ang sitwasyon pagpasok ng Hunyo dahil sa inaasahang pagtatapos ng umiiral na El Nino phenomenon sa bansa.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: , ,