Maayos na pagtatawid ng impormasyon, tiniyak ng bagong pamunuan ng Philippine Information Agency

by Radyo La Verdad | August 4, 2016 (Thursday) | 1130

DANTE_PIA
Kasalukuyan nang binabalangkas ang bagong National Communication Policy sa pangununguna ng Presidential Communication Office.

Ayon kay Philippine Information Agency o PIA Director General Harold Clavite, ito ay upang matiyak ang maayos na pagtatawid ng mga mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng publiko partikular sa mga aktibidad ng pamahalaan.

Magkakaroon ng mga training ang mga tauhan ng philippine information agency para mas lalong mapaigting ang kapasidad nito.

Gagamit na sila sa mga susunod na araw ng mga makabagong kagamitan sa komunikasyon tulad ng digital communication facility.

Kamakailan lamang ay nilagdaan na ng pangulo ang executive order ukol sa freedom of information na layuning malaman ng publiko ang mga transaction at iba pang aktibidad ng pamahalaan.

Nag-iikot ngayon ang mga opisyal ng pia sa kanilang mga regional at provincial office upang malaman ang mga problemang dapat tugunan upang makapagbigay ng magandang impormasyon sa taumbayan.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,