Makararanas pa rin ng mga improvement sa serbisyo ng Light Rail Transit o LRT Line 1 ang mga pasahero kahit na hindi matuloy ang sampung pursyentong taas-pasahe.
Ito ang tiniyak kanina ni Philip Rañada, ang general counsel ng Light Rail Manila Corporation o LRMC na tumatayong operator ng LRT 1.
Katatapos lamang ng project arangkada na inilungsad ng LRMC na layong magdagdag ng mga personnel upang mapagbuti ang serbisyo sa Roosevelt hanggang Baclaran Station ng LRT 1.
Mula Mayo hanggang Hulyo, dinagdagan ng mahigit isang daan at limampu ang nagta-trabaho sa LRT1 na dati ay 580 lamang.
Kabilang sa mga bagong empleyado ang kauna-unahan at nag-iisang lady driver ngayon sa LRT.
Sa ngayon, na-rehabilitate na ang mga elevator at escalator para hindi mahirapan sa pagpanaog ang mga pasahero sa ilang istasyon ng LRT 1.
Makikita na rin ang mga karagdagang ilaw para sa mas maliwanag na pag-ooperate sa istasyon sa gabi lalo na ngayong na-extend ang operating hours nang hanggang 10:15pm.
(Yoshiko Sata / UNTV Correspondent)
Tags: Maayos na pagseserbisyo ng LRT Line 1, tiniyak kahit hindi matuloy ang fare increase