Luzon Region niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

by Erika Endraca | April 23, 2019 (Tuesday) | 6420

Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon region kahapon ng 5:11pm.

Namataan ang sentro ng lindol sa Castillejos Zambales na may lalim na 21 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang intensity 5 sa Angeles city at Malolos Bulacan .

Intensity 4 sa Quezon city, San Juan, Pasig at Muntinlupa sa Metro Manila, Gapan, Cabanatuan, Tagaytay city at San ildefonso sa Bulacan.

Intensity 3 sa Mauban Quezon, Talisay Batangas, Guagua Pampanga at Olongapo city

Intensity 2 sa Luecna City, Dolores at Lucban sa Quezon, Dagupan City at Daet Camarines Norte At intensity1 naman sa Guinayangan Quezon, Calatagan Batangas, Magalang Pampanga at Sinait Ilocos Sur.

Nilinaw naman ni Usec. Renato Solidum na malayong maka apekto ang nangyaring lindol sa paggalaw sa west valley fault na pinangangambahang magdulot ng magnitude 7.2 na lindol o ang tinatawag na the big one.S

“The fault that generated the earthquake this afternoon is far from valley fault in metro manila, and the earthquake that was generated although it was a strong earthquake a magnitude 6.1, was not a major earthquake that causes stresses in the nearby fault” ani Phivolcs OIC, Usec. Renato Solidum.

Samantala muli namang inaanyayahan ang ating mga kasangbahay na dumalo sa 4th untv rescue summit sa April 28 na gaganapin sa Marikina Sports Center alas-6 ng umaga

Libre ang pagpunta sa event kung saan maaring masaksihan ang competition ng walong rescue team mula sa ibat ibang probinsya sa bansa.

Mayroon ding libreng seminar patungkol sa first aid , iba pang paraan ng pag rescue at libreng mini concert sa gabi sa pakikipagtulungan ng Wish 107.5 .

(Bernard Dadis | Untv News)

Tags: , ,