Lupang sakahan na mababa na ang kalidad, umabot na sa 11.2m hectares

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 4166

rey
Nanganganib na tuluyan nang hindi masaka ang milyon-milyong ektarya ng lupain sa bansa.

Ayon sa Bureau of Soil and Water Management o BSWM, nasa 38% o 11.2 milyong ektarya ng lupang sakahan ang degraded na o mababa na ang kalidad.

Ito’y dahil sa paggamit ng mga magsasaka ng artipisyal na abono at pamuksa sa peste o pesticide.

Sa pagsusuri ng BSWM, kahitnanasasaka ang ilan sa mga degraded land ay mababa naman ang kanilang ani.

Kung umaani ito ng 100 kaban ng palay sa nakalipas na 30 taon, ngayon ay nasa 30 nalang.

Sa kabila nito, sinabi rin ng BSWM na kaya pa namang masapatan ang pangangailangan ng pagkain sa bansa.

Sa ngayon ay may mga programa naman na ginagawa ang Department of Agriculture gaya ng specific site nutrient management kung saan pinag-aaralan ang mga akmang pananim sa isang sakahan at ang paghikayat sa mga magsasaka na gumamit ng mga organikong pamamaraan ng pagsasaka.

Subalit kung hindi agad na masusulusyonan ang bumababang kalidad ng lupang sakahan ay maaaring maramdaman na ang kakulangan sa pagkain sa loob ng 3-5 taon.( Rey Pelayo/UNTV News )

Tags: ,