Hanggang ngayong araw na lamang maibibili sa mga tindahan at maipapalit sa bangko ang mga lumang pera.
Ito ang New Design Series o NDS na unang inilabas noong pang 1985.
Kapag na demonetize ang pera, wala na itong halaga.
Ginagawa ito upang mapangalagaan ang integridad ng pera at maiwasan ang pamemeke nito.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa labing anim na porsyento pa o mahigit sa apat na raang milyong piraso ng lumang pera ang nasa sirkulasyon sa kasalukuyan.
Maiiwan na lamang sa sirkulasyon ay ang New Generation Currency o NGC.
Mula October 2016 hanggang December 2016 naman ay maaaring i-register sa website ng BSP ng mga kababayan natin sa abroad kung may hawak pa silang lumang pera.
Bibigyan sila ng BSP ng isang taong palugit upang ipapalit ito.
Tags: BSP, lumang pera