Lumalalang kaso ng malnutrisyon sa bansa, dapat tutukan ng husto ng papasok na administrasyon

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 3026

BATA
Lumabas sa ginawang pag-aaral ng ilang advocacy group na malaki ang problema sa malnutrisyon ng bansa.

Ayon sa Philippine Legislators’ Committee on Population and Development o PLCPD, nasa 25% ng populasyon ng mundo ay kulang sa height o bansot dahil sa malnutrisyon.

Bukod sa kakulangan sa pagkain, itinuturong dahilan din ng malnutrisyon ay ang maling pagkain.

Ayon naman sa Philippine Coalition of Advocates on Nutrition o Philcan, mahigit sa 95% sa mga namamatay na bata ay dahil sa malnutrisyon.

Mas malaki rin ang lugi ng bansa sa GDP kumpara sa pinsala ng bagyong yolanda sa bansa noong 2013 kung saan libo-libong tao ang namatay.

Sa ngayon naghihintayang grupo sa plano ng papalit na administrasyon tungkol sa problema ng malnutrisyon sa bansa.

Inaabanganrin ng grupo kung sino ang mga taong itatalaga ng Duterte administration sadswd at iba pang ahensiya ng namamahala sa mga programang may kinalaman sa nutrisyon ng mga Pilipino.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: ,