Lumalaking utang ng Pilipinas, “reasonable” at “manageable” – Sec. Diokno

by Radyo La Verdad | August 16, 2023 (Wednesday) | 4436

METRO MANILA – Dinepensahan ng economic managers sa budget hearing sa senado ang ginagawang pag-utang ng bansa sa kabila ng patuloy na paglobo nito.

Paliwanag ni National Treasurer Rosalia De Leon, kailangan talagang umutang para matustusan ang malaking bahagi ng national budget.

Depensa ni Finance Secretary Benjamin Diokno, sa investments para sa imprastraktura napupunta ang mga ito na makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

“Hindi naman po nakakatakot yung 60% of our GDP ay reasonable po yun, manageable. If you look at the composition of the budget is talagang pro-poor po ‘yan.”ani Finance Secretary Benjamin Diokno.

Tags: , ,