Hustisya para sa Lumad killings, ito ang panawagan ng Lumad advocates sa kanilang isinagawang picket o protesta sa harap ng Department of Justice Manila.
Ngayong araw ay nagsama-sama sa harap ng Department of Justice ang Lumad advocates upang manawagan at humingi ng hustisya sa Pangulong Benigno Aquino III at sa DOJ dahil sa pagpaslang sa mga kasama nitong Lumad.
Ayon sa isang kabilang sa advocate na ito na si Agong Capus Contak nagsama sama sila upang ipaalala o ipabatid sa DOJ ang kanila umanong responsibilidad na magbigay hustisya para sa naturang judicial killing. Aniya nananawagan din sila sa netizens na makiisa na manawagan para sa mga pinaslang at para ihinto rin ang umano’y human rights abuses.
Matatandaang apat na taong lumipas ay pinatay si Fausto Pops Tentorio na siyang kinilala nilang defender ng human rights, social justice and peace sa Mindanao.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)
Tags: DOJ Manila, lumad