Lumabag sa COMELEC gun ban umakyat na sa mahigit 4,400

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 3425

LEA_GUN-BAN
Tuloy pa rin ang Commission on Elections o COMELEC checkpoint ng mga pulis at maging ang pagpapatupad ng COMELEC gun ban kahit natapos na ang botohan sa bansa.

Base sa datos ng Philippine National Police nasa mahigit apat na libo, apat na raan na ang naaresto kung saan pinakamarami pa rin ang sibilyan.

Sinabi ni PNP Public Information Chief, Police Chief Superintendent Wilben Mayor, mahigit tatlong libong armas na ang kanilang nakumpiska, mahigit apatnapung libo naman ang mga deadly weapons, one hundred sixty-two firearms replica at iba pang mga katulad nito.

Paalala ng PNP sa publiko maging sa mga pulis, kahit tapos na ang halalan ay iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal tulad ng baril at bladed weapons dahil iiral ang gun ban hanggang June 8 sa pagtatapos ng election period.

Tags: