Lugi sa agrikultura dahil sa El Niño umabot na sa mahigit P100-M

by Radyo La Verdad | February 1, 2024 (Thursday) | 5487

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit P100-M ang naitalang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil sa El Niño phenomenon

Ayon sa ikalawang El Niño advisory ng Department of Agriculture (DA), sinabi ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Operations Center na ang pinsala at pagkaluging naitala ay natamo sa reproductive stages ng bigas.

Na batay naman sa assessment ng Western Visayas at Zamboanga Peninsula regional offices, nakaaapekto sa mahigit 2,000 magsasaka at ektarya ng palayan.

Sa kasalukuyan, nasa 4,738 metric tons na ang nawala sa produksyon ng bigas.

Tags: ,

PBBM, tiniyak na maihahatid ang tulong para sa mga residente ng typhoon-hit areas

by Radyo La Verdad | May 29, 2024 (Wednesday) | 67510

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na maihahatid ang tulong para sa mga residenteng naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon.

Ayon kay PBBM, inatasan na nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) na ihatid ang lahat ng tulong at suportang medikal sa mga biktima ng bagyo.

Reresponde rin kaagad aniya ang pamahalaan upang maisaayos ang mga nasirang imprastraktura.

Siniguro rin ni Pangulong Marcos na may nakaantabay pang pondo para sa typhoon-hit areas.

Tags: , , ,

Mga apektado ng El Niño sa PH, umabot na sa mahigit 4.5 Million – DSWD

by Radyo La Verdad | May 20, 2024 (Monday) | 6555

METRO MANILA – Umabot na sa mahigit 4.5 milyong indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1,181,568 na pamilya mula sa 6,017 barangay sa 14 na rehiyon ang apektado.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, at BARMM.

Dagdag pa rito, sinabi ng dswd na nabigyan na ng P372.4-M na humanitarian assistance ang mga apektadong indibidwal.

Mayroon namang P3.2-B na magagamit na relief resources ang kagawaran, kung saan P607.9-M ang inilaan para sa standby funds at P2.6-B naman ang para sa food at non-food items.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, hanggang May 13, umabot na sa 280 na Local Government Units (LGU) ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding init.

Tags: , ,

Agricultural damage ng El Niño umabot na sa P5.9-B – DA

by Radyo La Verdad | May 3, 2024 (Friday) | 56221

METRO MANILA – Umabot na sa P5.9-B ang naging damage sa agrikultura ng bansa dahil sa patuloy na pag-iral ng El niño phenomenon.

Ayon sa kagawaran ng agrikultura, pinaka-malaki ang naitalang pinsala sa rice sector na umabot na sa P3.1-B na halaga ng pagkalugi.

Kabilang sa mga pinaka-napinsalang rehiyon sa bansa ang Mimaropa, Cordillera Administrative Region, at Western Visayas.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, nakatulong sa pagpapagaan ng mga epekto ng El niño ang maagang pagpaplano, rehabilitasyon at mitigation measures ng kagawaran, partikular na ang sa National Irrigation Administration (NIA).

Tags: ,

More News