Natukoy na ng Philippine Coast Guard ang lugar na posibleng pinaglubugan ng M/V Starlite Atlantic nang manalasa ang bagyong Nina noong Disyembre.
Ayon kay PCG Spokesperson Commander Armand Balilo, na-detect ng National Mapping and Resource Information Authority na BRP Hydrographer Hizon ang lokasyon ng MV Starlite Atlantic malapit sa isla ng Mala-Hibo-Manoc sa Tingloy, Batangas.
Na-detect ang lumubog na roro vessel sa lalim na 78 meters dahil sa oil spill mula dito.
Nag-deploy na ng technical divers ang PCG upang alamin kung ang MV Starlite Atlantic nga ang natagpuan ng BRP Hydrographer Hizon.
Ang huling lokasyon ng M/V Starlite Atlantic bago lumubog ay sa Maricaban Island malapit sa Tingloy.
Aalamin rin ng PCG kung nasa loob ng barko ang labi ng labing-walong nawawala pang tripulante.
Tags: Lugar na posibleng pinaglubugan ng M/V Starlite Atlantic, natukoy na ng PCG