Lugar na pagtatayuan ng LRT-MRT common station, aaprubahan na ngayong buwan

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 923

D-O-T-C-Secretary-Arthur-Tugade
Kinumpirma ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na aaprubahan na ngayon buwan ang pagtatayo ng LRT-MRT common station.

Ayon kay Tugade sumang-ayon na ang mga stake holders sa common station kaya’t maaari nang mai-sapinal na ang naturang proyekto.

Kausap ni Tugade si Ramon ang ng San Miguel Corporation na siyang magtatayo ng MRT Line 7, si Manny Pangilinan ng Light Rail Manila Consortium para sa LRT Line 1 at ang mga Zobel na may-ari ng Ayala Malls Trinoma.

Kinumpirma rin ni Tugade na pumayag na ang SM Prime Holdings na itayo ang common station sa pagitan ng SM North at Trinoma.

Layon aniya ng kasunduan na huwag mahirapan ang mga commuter sa paglalakad ng malayo dahil sa maling posisyon ng common station na napagkasunduan dati.

Noong 2011 ay nagbigay ng 200 million pesos ang SM Prime Holdings sa LRTA para sa naming rigths ng common station.

Taong 2014 ng magdesisyon si dating DOTC Sec.Jun Abaya na ilipat ang common station malapit sa Trinoma.

Sa ngayon ay hawak pa ng lrta ang 200 million pesos na bond na ibiniyad ng SM Prime Holdings at plano itong ibalik sa lalong madaling panahon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,