LTO-On-Wheels, planong dagdagan ng Land Transportation Office

by Radyo La Verdad | September 30, 2022 (Friday) | 986

Planong gawing lima ang kasalukuyang dalawang operational LTO-On-Wheels.

Ayon sa ahensya, mayroong mga opisina ng gobyerno ang nagrerequest na madala sa kanilang lugar ang mobile one-stop-shop ng LTO upang mas madaling makapagparehistro o makapag-renew ng kanilang lisensya o ng sasakyan.

Sa pamamagitan nito, hindi na rin kinakailangan pang pumila ng mga mga aplikante sa mismong opisina ng LTO.

Nitong Sept. 8, muling umarangakada sa Camp Karingal ang LTO-On-Wheels upang pagserbisyuhan ang mga police personnel.

Kasama sa mga naiproseso ang aplikasyon sa renewal ng rehistro ng motor at sasakyan, student permit, renewal ng driver’s license, renewal without penalty, at conversion ng paper license to card.

Para madala ang Lto-On-Wheels sa publiko, maaaring mag-request ang mga barangay captain o ahensya ng gobyerno sa LTO.

Kinakailangan lamang nilang tiyakin na may maayos na parking space para sa bus ng LTO at makapag provide ng at least 10mbps na internet connection upang maiproseso ang requirements ng mga aplikante. 

(JP Nuñez | UNTV News)