LTO magiinspeksyon sa mga terminal upang tiyaking nakakondisyon ang mga pampublikong sasakyan na bibiyahe ngayong Long Holiday

by Erika Endraca | October 28, 2019 (Monday) | 89011

METRO MANILA – Inatasan na ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng kanilang regional offices na maginspeksyon sa mga terminal ng pampublikong sasakyan na bibiyahe ngayong long holiday.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar ito’y upang masiguro na nakakondisyon ng maayos ang mga bus,van at iba pang pampublikong sasakyan na biyaheng probinsya at paluwas ng Maynila.

Importante aniya na masuring mabuti kung maayos ang gulong, side mirror gumagana ang preno, wiper at iba pang mga kahalintulad nito.

Kinakailangan rin na naka kondisyon at may sapat na tulog ang driver, at dapat na may karilyebo kung mahaba ang oras ng biyahe.

Mahigpit ring ipinagbabawal ang overloading upang makaiwas sa aksidente. Ang hakbang na ito ay bahagi lamang ng Oplan Biyaheng Ayos 2019 ng Department of Transportation (DOTr) ngayong long holiday.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,