LTFRB, planong lagyan ng sticker ang mga sasakyan bilang pagkakakilanlan ng mga TNVS

by Radyo La Verdad | August 31, 2017 (Thursday) | 3407

Plano ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na lagyan ng sticker o logo ang mga sasakyang bumibiyahe bilang mga Transport Network Vehicle Service.

Ito ang ipinahayag ni Atty. Aileen Lizada sa panayan ng programang Huntahan ng Radyo Laverdad 1350 kaninang umaga.

Layon nito na matukoy agad ng mga pasahero at mga Traffic Law Enforcer na TNVS ang isang sasakyan. Batay sa panukala ng LTFRB, dapat maglagay ng sticker o logo ang Uber at Grab sa labas ng kanilang mga sasakyan.

Kaugnay nito, magpapalabas naman ang LTFRB na disensyong logo o sticker, na siyang ikakabit sa mga Transport Network Vehicle Service.

Tags: , ,