Pinag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang hiling na extension ng mga school service operators na kaugnay sa pagpe-phase out ng mga lumang school bus service dahil hindi umano lahat ay nakabili na ng bagong unit.
Batay sa orihinal na plano, hanggang March 31, 2016 na lamang puwedeng bumiyahe ang mga school service na may mahigit 15 taon na ang edad.
Ayon LTFRB, pangunahin nilang ikinokonsidera upang hindi na payagan pang bumiyahe ang mga lumang school service ang kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral na araw–araw susunduin at ihahatid sa darating na pagbubukas ng klase.
(UNTV NEWS)
Tags: LTFRB, school bus service