LTFRB, nilinaw ang naging pahayag na dapat i-assert o ipilit ng mga pasahero ang kanilang karapatan sa mga abusadong taxi driver

by Radyo La Verdad | August 30, 2017 (Wednesday) | 2430

Nilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang kanyang naunang pahayag sa programang ng UNTV na Get it Straight with Daniel Razon na umani ng batikos sa ilang mambabatas at maging sa maraming netizens.

Sa isang statement sinabi ni Delgra na kaya niya sinabing dapat ipilit ng mga pasahero ang kanilang karapatan dahil hindi dapat nila pinapayagan na abusuhin sila ng mga pasaway na driver dahil ito ay labag sa batas. Dapat lang aniyang bigyan ng mga taxi drivers ang mga pasahero ng maayos na serbisyo.

Binigyang diin din ng pinuno ng ahensya na ang pagpilit ng karapatan ng isang pasahero ay hindi nangangahulugan ng pakikipagtalo sa mga taxi driver.

Payo ng LTFRB sa mga mananakay, i-record ang pangyayari oras na nanghihingi ng dagdag na bayad ang mga ito. Maari rin aniya itong isumbong o i-report sa pulis, LTO at LTFRB.
 

Tags: , ,