LTFRB nagsagawa ng seminar sa mga taxi driver

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 1546

LTFRB
Nagsagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng dalawang araw na seminar sa mga taxi driver noong Sabado at Linggo.

Ito ay dahil sa sunod-sunod na reklamong natanggap ng ahensya na kinasangkutan ng mga taxi driver.

Ipinaalala sa seminar ang traffic rules maging ang obligasyon at tamang pakikitungo sa mga pasahero.

Libre ang isinagawang seminar at binigyan ang 680 taxi drivers ng certificate pagkatapos ng refresher course.

Kaugnay nito ay inaprubahan sa mababang kapulungan ng kongreso ang batas na magpaparusa sa mga abusadong taxi driver.

Layunun ng batas na proteksyonan ang mga pasahero sa anomang uri ng karahasan at pangaabuso.

Nanawagan naman ang ahensya sa mga operators na isailalim ang kanilang mga driver sa naturang seminar. Maaaring magpareserve ng slot ang mga operator isang linggo bago isagawa ang crash course.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,