LTFRB, nagbigay ng kondisyon sa pagpapahintulot sa mga UV Express na makadaan sa EDSA

by Radyo La Verdad | September 12, 2016 (Monday) | 1948

MON_UV
Pahihintulutan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga UV Express na makadaan sa EDSA matapos ang isinagawang public consultation kamakailan.

Sa inilabas ng memoradum circular ng ahensya, isinasaalang alang nito sa kanilang desisyon ang kapakanan ng mga commuter.

Kaakibat naman nito ay naglabas ang LTFRB listahan ng mga ruta na maaari lamang daanan ng UV Express.

Para sa mga UV Express na manggagaling ng South ng Metro Manila papuntang Makati, maaaring dumaan sa Skyway papunta sa terminal sa Dusit Thani Hotel, Dela Rosa St., Gabriela Silang at ibang terminal sa Makati Business District.

Kung mula naman sa Makati at patungong South Luzon Expreswway, pwedeng dumaan sa A .Arnaiz Street papuntang EDSA at diretso sa Magallanes Interchange.

Para naman sa mga nanggagaling ng Fairview, Marikina at Pasig area papuntang Cubao; dumaan sa C5 patungong Aurora Blvd.

At kung papuntang Makati naman, maaaring dumaan sa Kalayaan Flyover patungo sa Buendia Avenue.

Nilinaw rin sa memo circular na walang UV Express ang papayagang magbaba at magsakay ng pasahero saan mang lugar sa kahabaan ng EDSA .

Samantala, hindi naman pinahuntulutan ng LTFRB na dumaan sa EDSA ang mga UV Express na may rutang Ortigas dahil makadaragdag pa anila ito sa traffic.

Nagbabala ang LTFRB na papatawan ng kaukulang parusa ang maga mahuhuling lalabag sa kautusan.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,