LTFRB, nagbabala sa jeepney at UV Express operators na makikiisa sa kilos protesta sa Lunes

by Radyo La Verdad | February 3, 2017 (Friday) | 1377


Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga jeepney at UV Express operators na maaaring kanselahin o bawiin ang kanilang prangkisa kung makikiisa sa malawakang kilos-protesta sa Lunes.

Ang kilos-protesta ay bilang pagpapakita ng mga ito ng pagtutol sa planong phase out ng LTFRB sa mga lumang jeep.

Ayon sa LTFRB, nakasaad sa kanilang mga prangkisa o certificate of public convenience na bawal ang mga itong magsuspinde ng operasyon bilang protesta.

Samantala, bilang paghahanda sa transport strike, mayroong itatalagang mahigit isangdaang bus ang LTFRB para sa mga pasaherong maapektuhan ng kilos protesta.

Tags: ,