Magmula nang ilunsad ang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign ng LTFRB, mas lumobo ang bilang ng mga stranded na pasahero sa ilang lugar sa Metro Manila dahil dumami rin ang mga nahuhuling pampublikong sasakyan na hindi pumapasa sa motor vehicle inspection system ng LTFRB.
Kaya upang matugunan ang pangangailangan ng mga stranded na pasahero, kinonsulta ng LTFRB ang mga city bus operator kung maaari silang bumiyahe sa mga apektadong ruta sa Metro Manila.
Nakatakdang isyuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng 3 buwang special permit ang mga opereytor para makabiyahe sa mga rutang nangangailangan ng pampublikong sasakyan.
Hiniling din ng ahensya na magpasa ang mga operator ng suggested route upang malaman kung saan maaaring bumiyahe ang mga ito para isakay ang mga stranded na pasahero sa mga nasabing lugar. Posible rin umano na payagan ang mga coding na bus na makabyahe.
Para naman sa samahan ng Transport Opereytor ng Pilipinas, hindi pa rin malinaw kung sasapat ang mga bus para matugunan ang kakulangan sa mga sasakyan.
Sa linggong ito, nakatakdang bumiyahe ang mga city bus bilang alternatibo sa mga jeep sa ilang parte na mapapagkasunduan.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: city bus operator, LTFRB, Metro Manila