METRO MANILA – Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na babaguhin at matutuloy na ang December 31 deadline ng franchise consolidation para sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Ayon kay LTFRB Chairman Attorney Teofilo Guadiz, hindi na sila mag-iissue ng prangkisa pagkatapos ng December 31.
Ang lahat ng provisional authority at certificate of public convenience ay mage-expire ng December 31, maliban na ang mga covered ng extension na ibinigay ng LTFRB.
Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga operator at driver ng tradisyunal na jeep at van ay kinailangan na mag-consolidate at bumuo ng kooperatiba o korporasyon.
Nauna nang tinututulan ng ilang transport groups ang isinusulong na PUV modernization ng pamahalaan sa pangambang ito ang papatay sa kanilang hanapbuhay.