LTFRB Chairman Winston Ginez, pinagreresign ng mga taxi driver at operators

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 2585

MACKY_GINEZ
Pinagreresign ng mga taxi driver at operator si LTFRB Chairman Winston Ginez dahil sa hindi umanong patas na pamamahala sa mga taxi driver.

Ayon sa mga taxi driver, napakalaki ng sampum pisong bawas sa flagdown rate ng taxi bukod pa dyan ang kada patak ng metro sa per succeeding km dahil mula anya sa 300meters ay ginawa pa itong 500meters ng LTFRB.

Kinwestyon naman ng mga operators ang kaluwangan ng LTFRB pag dating sa Uber at Grab dahil napakabilis anya ng proseso ng aplikasyon nito samantalang napakatagal bago bigyan ng prangkisa ang mga taxi.

Tadtad din umano ng sticker na ipinakabit ng LTFRB ang kanilang mga taxi subalit ang Grab at Uber ay walang pagkakakilanlan.

Sa statement naman ni LTFRB Chairman Winston Ginez sa twitter at facebook, nanindigan ito na makatwirang bawasan ang pasahe sa taxi dahil masusi itong pinagaralan ng LTFRB.

Malapit na matapos ang kasalukuyang administrasyon subalit nais ng mga taxi driver at operator na magresign na si Ginez dahil tila napakatagal pa at marami pa anya itong pahirap na gagawin sa grupo ng mga taxi driver at operator.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,