Naninindigan si Sen. Leila de Lima na pinilit, tinakot, o tinutorture umano ang ilan sa mga iniharap na testigo laban sa kanya sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong mga nakaraang araw.
Kabilang na aniya rito si Lt. Col Ferdinand Marcelino sa mga tinatarget ng kanyang mga kaaway upang lumantad sa publiko, at idawit sya sa operasyon ng droga sa loob ng mga kulungan.
Isang text message rin aniya ang natanggap ng senadora patungkol naman kay PNP Deputy Chief for Operations Director General Ferdinand Magalong na umanoy nagsabi na niniwala rin siyang inosente si De Lima.
Punto per punto naman sinagot ni De Lima ang ilan sa mga alegasyon laban sa kanya na lumabas mula sa house inquiry, kabilang na ang umanoy kwestiyonableng raid nila sa maximumum compound ng Bilibid noong 2014.
Ayon sa senadora, hindi magkasundo noon sina dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayo at si PNP Gen. Ferdinand Magalong kaya’t hindi nasama ang grupo ni magalong noon sa raid.
Dagdag pa niya, ang DOJ at NBI ang hurisdiksyon sa bucor kayat ito ang namuno sa raid, habang tumayong support group nalang ang NCRPO, SAF at iba pang units.
Handa naman si De Lima kung sakaling tetesigo na rin laban sa kanya ang inmate na si Jaybee Sebastian, pero paliwanag ng senadora, tipser lang nila ito noon sa Bilibid, at hindi siya tumanggap ng pera mula dito para sa kanyang kampanya.
Ipinagutos rin aniya ni De Lima na ilipat rin si sebastian sa building 14 kasama ang Bilibid 19 matapos maisyu na nabibigyan siya ng special treatment.
Samantala, itinaggi rin ng senadora ang alegasyong maliban sa kanya ay may mas mataas pang opsiyal ng pamahalaan noon na nakibanang sa drug operations sa kulungan.
Ayon kay sen. De lima, pamsamtala muna siyang umalis sa kanyang tinitirhan ngayon dahil sa banta sa kanyang buhay.
Pero nanindigan ang senadora na hindi siya magreresign at pinagiisipan na rin niya ang ilang legal actions upang protektahan ang kanyang sarili.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: pinipinilit rin umanong tumestigo laban kay Sen. Leila de lima