LRMC, inalok ang pamahalaan na ipaubaya sa kanila ang pag-ooperate ng MRT line 3

by Radyo La Verdad | August 16, 2017 (Wednesday) | 2763

Inalok ng Light Rail Manila Corporation o LRMC ang pamahalaan na ipaubaya sa kanila ang pagpapatakbo ng MRT 3.

Sa panayam ng programang Get It Straight with Daniel Razon kay LRMC President and CEO Rogelio Singson, sinabi nito na naisumite na ng LRMC ang kanilang proposal sa pamahalaan.

Ayon kay Singson, ang umiiral na sistema ng gobyerno ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga problema sa mga train systems na hawak nito.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pinag-aaralan na ng Department of Transportation ang alok ng LRMC.

 

 

Tags: , ,