Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas bukas, araw ng Biyernes.
Batay sa abiso ng industry sources, posibleng umabot sa tatlo hanggang apat na piso kada kilo ang dagdag sa presyo ng LPG. Katumbas ito ng 33 hanggang 44 piso para sa 11 kilogram na tangke ng LPG gas.
Ayon sa LPG Marketers’ Association (LPGMA) Party-list, ang presyo ng LPG ay sumusunod lamang sa presyo ng diesel at gasolina sa pandaigdigang merkado.
Mula Enero hanggang noong Miyerkules, labing pitong beses ng tumaas ang presyo ng diesel at labing lima naman sa gasoline, habang labing anim na beses namang tumaas ang presyo ng kerosene.
Sa naturang panahon, mahigit sampung piso na ang itinaas sa presyo ng diesel, gasoline at kerosene kung kasama ang excise tax.
Tags: LPG, LPGMA, pagtaas sa presyo