LPA sa silangan ng Daet, magpapaulan sa Bicol at E. Visayas

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 3833

Magpapaulan sa Bicol at Eastern Visayas ang isang low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ito ng PAGASA sa layong 100km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay maliit pa ang posibilidad na maging bagyo ito.

Samantala, apektado parin ng habagat at kanlurang bahagi ng Luzon. Makararanas pa rin ng hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes and Babuyan Group of Islands.

Ang Metro Manila ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng maaliwalas na panahon na may thunderstorms.

Tags: , ,