LPA sa PAR, posibleng maging bagyo

by Radyo La Verdad | July 18, 2018 (Wednesday) | 2795

Malaki ang posibilidad ba maging bagyo ang isang low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ito kaninang alas tres ng madaling araw sa layong 540km east ng Aparri, Cagayan.

Papangalanan itong Inday kapag nating bagyo na siyang pang siyam na bagyo na pumasok sa PAR ngayong 2018. Palalakasin nito ang habagat na nakakaapekto pa rin ngayon sa bansa.

Sa forecast ng PAGASA, makararanas ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.

May kalat-kalat na pag-ulan din sa Bicol Region at Visayas habang magkakaroon din ng thunderstorms sa Mindanao.

Ang hight tide sa Manila Bay ay mamayang 1:48pm na aabot sa 1.2 meters.

Tags: , ,