Isa nang ganap na bagyo ang sama ng panahon na nasa Philippine area of responsibility (PAR) na ang pangalan ay Florita.
Namataan ito ng PAGASA kaninang ika-3 ng umaga sa layong 945km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at pagbugso na aabot sa 60kph. Kumikilos ito papuntang northwest sa bilis na 11kph.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa at inaasahang sa Lunes ay lalabas na rin ito ng PAR patungong Japan.
Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay makararanas pa rin ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang malaking bahagi ng bansa.
May mga pag-ulan din na posibleng magdulot ng mga pagbaha at landslide.