LPA sa PAR, hindi na makakaapekto sa bansa

by Radyo La Verdad | September 6, 2018 (Thursday) | 1949

Posibleng lumabas na mamayang gabi ang LPA sa PAR. Namataan ito ng PAGASA sa layong 830km sa silangan ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, hindi na ito makakaapekto sa bansa.

Dahil naman sa habagat ay makakaranas pa rin sa kalat-kalat na pag-ulan sa Cavite, Batangas, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas.

Maaaring makaranas ng pagbaha at lanslides sa mga nasabing lugar.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maaliwalas ang panahon na may posibilidad na papulo-pulong pag-ulan.

 

Tags: , ,