Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na dating bagyong ‘Chedeng’.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 410 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Laoag City (20.0˚N, 117.2˚E).
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region kasunod ng paglabas ng LPA ng PAR.
Matatandaang humina at naging LPA na lang ang bagyong Chedeng nitong Linggo.
Tags: Chedeng, LPA, PAGASA-DOST, PAR, weather advisory