LPA, nasa 1,095km sa silangan ng Aparri, Cagayan

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 2171

Umiiral pa rin ang isang low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA kaninang ika-3 ng umaga sa layong 1,095km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay maliit ang posibilidad na makaapekto pa ito sa bansa maging sa mga susunod na araw.

Makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang malaking bahagi ng bansa na may biglaang pag-ulan o thunderstorms.

Maaari itong magdulot ng landslide o pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

 

Tags: , ,