LPA, namataan sa PAR

by Radyo La Verdad | September 5, 2018 (Wednesday) | 1615

Umiiral ang isang low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA sa layong 1,240km sa silangan ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na maging bagyo ang LPA habang nasa PAR.

Sa ngayon ay nakakaapekto pa rin sa bansa ang habagat.

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Cavite, Batangas, Mimaropa, Bicol Region at Visayas.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng mga pag-ulan, lalo na pagdating ng hapon o gabi.

 

Tags: , ,