Isang low pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA Philippine area of responsibility (PAR).
Ito’y nasa sa layong 190km sa kanluran ng Clark, Pampanga.
Apektdo nito ang Mindoro at Palawan kung saan makararanas ng hanggang sa katamtamang pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
May thunderstorms din na mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Maaari itong magbuhos ng malakas na pag-ulan at magdulot ng pagbaha at landslides.
Bukod dito ay may isa pang LPA sa silangan ng Luzon at inaasahang papasok ito sa PAR mamayang gabi.