LPA, nakakaapekto sa Mindanao at Visayas

by Radyo La Verdad | November 12, 2018 (Monday) | 4930

Umiiral ngayon ang isang low pressure area (LPA) sa layong 405km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ang trough o extension nito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao at Eastern Visayas.

Parehong kondisyon din ang mararanasan sa Bicol at Palawan dahil naman sa epekto ng tail-end of a cold front.

Umiiral din ngayon ang amihan na magdudulot ng papulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon. May mga thunderstorms din sa Western at Central Visayas.

Ayon sa PAGASA, tatawid sa Mindanao ang LPA at posible itong maging bagyo pagdating sa Sulo Sea.

Papangalanan itong Simeon sa oras na maging bagyo na siyang panglabing siyam na bagyo na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong taon.

 

Tags: , ,