LPA, nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa

by Radyo La Verdad | November 13, 2018 (Tuesday) | 3028

Apektado ng low pressure area (LPA) ang malaking bahagi ng bansa.

Namataan ng PAGASA ang LPA sa layong 235km sa east southeast ng Davao City, Davao Del Sur.

Base sa forecast ng PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Palawan, Visayas at Mindanao.

Apektado naman ng amihan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon kung saan mararanasan ang papulo-pulong mahinang pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, maaari pa ring maging bagyo ang LPA at papangalanan itong Simeon.

Tags: , ,