LPA, nakakaapekto sa Eastern Visayas

by Radyo La Verdad | June 19, 2018 (Tuesday) | 6055

Umiiral ngayon ang isang low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ito ng PAGASA sa layong 655km east north east ng Guiuan, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, hindi nila inaalis ang posibilidad na maging bagyo ang LPA.

Sa ngayon ay nakakaapekto sa Eastern Visayas ang trough o extension ng ulap nito kung saan makararanas ng hanggang sa katamtamang ulan.

May epekto pa rin ang habagat na siya namang magpapaulan sa Ilocos Region, Bataan, Zambales, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon na may posibilidad ng pagkakaroon ng thunderstorms sa hapon o gabi.

Tags: , ,