April 28, 2014 – Kaninang 4:00 ng madaling araw, namataan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Namataan ito sa layong 1,110 kilometers sa silangang bahagi ng Surigao del Norte. Pero sa ngayon, ayon sa PAGASA, wala pang nakikitang epekto sa bansa ang naturang LPA subalit inaasahan na papasok ito ng PAR.
Samantala, ang buong kapuluan ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan ang iiral sa silangang bahagi ng Luzon at Kabisayaan at mula naman sa silangan hanggang sa hilagang-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
OVER METRO MANILA:
Maximum Temperature: 12:00 PM yesterday —– 33.5 ºC
Minimum Temperature: 06:30 AM yesterday —– 22.8 ºC
Maximum Relative Humidity: 06:00 AM yesterday ——— 82 %
Minimum Relative Humidity: 12:00 PM yesterday ——— 46 %
High tide today: 05:10 PM ……… 0.71 meter
Low tide tomorrow : 01:26 AM ……… 0.09 meter
High tide tomorrow : 08:57 AM ……… 0.53 meter
Sunrise today: 05:35 AM
Sunset today: 06:12 PM
Tags: low pressure area, LPA, PAGASA-DOST, weather bulletin
METRO MANILA – Posibleng pumasok sa bansa ang isa hanggang sa 2 bagyo ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa forecast ng PAGASA, may 2 posibleng senaryo na maaaring tahakin ng bagyo.
Una rito, ang maaaring paglapit ng bagyo sa kapuluan, bago kumilos papalayo ng bansa.
Habang ang ikalawa naman ay maaaring tumawid ang bagyo ng Eastern Visayas, Bicol, Mimaropa at ilan pang bahagi ng Luzon hanggang makalabas ng West Philippine Sea.
Sa ngayon ay wala pang namomonitor ang ahensya na namumuong Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Nagpaalala naman ito sa publiko na patuloy na imonitor ang weather updates, dahil nagbabago-bago rin ang track ng bagyo.
MANILA, Philippines – Mababawasan na simula sa September 1, ang mga araw at oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customer ng Maynilad at Manila Water.
Kasunod ito ng gagawing pagdaragdag ng National Water Resources Board (NWRB) sa sukat ng alokasyon ng tubig na ibinibigay sa Metro Manila.
Ayon kay NWRB Executive Director Servillo David Jr, ang pagdaragdag ng alokasyon ay bunsod ng patuloy na pagangat ng lebel ng tubig sa Angat dam.
As of 7-am kahapon (August 26),umakyat na minimum operating level ang antas ng tubig sa dam na 180.7 meters. Dahil dito, asahan na mabawasan na ang mga araw at oras ng water service interruption ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga customer.
“Magkakaroon ng improvement sa services gun and inexpert nation with this additional releases na from angat dam expect this September 1” ani NWRB Director Servillo David Jr.
Bukod pa rito, ibabalik na rin ng NWRB ang 30 cubic meters na alokasyon ng tubig para sa irigasyon na ibinibigay sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.
Nitong nakaraang mayo, pansamantalang sinuspinde ng nwrb ang alokasyon sa irigasyon dahil sa pagsadsad ng tubig sa Angat dam.
Samantala ayon naman sa Pagasa posibleng magtuloy-tuloy na ang pagtaas ng tubig sa angat sa mga susunod na araw.
“Kasi nandito na tayo sa tag-ulan may mga bagyo at may mag inexpect pa tayo na bagyong dadating so inaasahan based from the historical naman natin na mga data nakikita natin during these month talaga tumataas ang elevation ng Angat dam” ani PAGASA Hydrologist, Shiela Schneider.
Bukod sa Angat, patuloy ring tumataas ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, Ambuklao at Ipo dam.
(Joan Nano | UNTV News)
MANILA, Philippines – Umaabot sa 19-20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kada taon kung saan 8-9 sa mga ito ay tumatama sa bansa.
Sa nakuhang datos ni Dr. Gerry Bagtasa ng Up Institute of Environmental Science and Meteorology, sa nakalipas na 50 taon ay napansin niyang nagbabago ang direksyon ng mga bagyo pa hilaga partikular sa Taiwan.
Sa mga nagdaan aniyang dekada lalo na mula noong taong 2000 ay dumadaan pa nga sa Mindanao ang mga bagyo gaya ni Pablo na nanalasa sa bansa noong 2012 at Sendong noong 2011.
Pero kahit palihis na sa pilipinas ang direksyon ng mga bagyo, mas marami naman ang naitatalang ulan sa bansa.
Nadagdagan aniya ng nasa 30% ang ulan dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyo at 10-15% naman ang dagdag ng ulan dahil sa mga bagyong tumatama o direktang nakakaapekto sa bansa.
Noong 1960 aniya ay nasa 18 araw lamang sa isang taon nakararanas ang Pilipinas ng malakas na habagat subalit ngayon ay umaabot na sa 26 na araw o halos 1 buwan.
“Yung bagyo kasi pag nasa tabi siya ng taiwan yun yung humihila ng habagat. Ngayon mas marami yung bagyong pumupunta roon” ani Up Institute of Environmental Science and Meteorology Dr. Gerry Bagtasa.
Ayon kay Dr. Bagtasa, mula taong 2022 hanggang 2050 naman ay posibleng tumaas pa ang direksyon ng bagyo at mas madalas namang tatama sa Japan. Ang epekto naman nito ay posibleng mabawasan ang ulan sa Pilipinas kung saan malaking porsiyento ay nanggagaling ang imbak na tubig ng mga dam.
“Imagine natin kung nawala itong bagyong to, kalahati ng tubig natin mawawala, kalahati ng fresh water” ani Up Institute of Environmental Science and Meteorology Dr. Gerry Bagtasa.
Samantala ang pagbabago ng direksyon ng mga bagyo ay iniuugnay sa pagbabago ng klima.
“Maaaring manifestation ito ng climate change. Kasi sa nakikita ng ibang mga pagaaral sa paginit ng karagatan dito sa may indonesia, pag umiinit yung dagat doon yung mga bagyo medyo umaakyat papuntang taiwan” ani Up Institute of Environmental Science and Meteorology Dr. Gerry Bagtasa.
(Rey Pelayo | Untv News)
Tags: bagyo, PAGASA-DOST, scientist, ulan