LPA, lalabas na ng PAR ngayong umaga

by dennis | April 5, 2015 (Sunday) | 1952

LPA

LPA_SATELLITE

(Update)Kaninang 4:00 ng madaling araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan 215 km Hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa PAGASA, bago magtanghali, inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala, ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Katamtaman hangang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa Timog-Silangan hanggang Silangan ang iiral sa Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon.

Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa Hilagang-Silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

OVER METRO MANILA:
Maximum Temperature: 01:50 PM yesterday —– 31.0 ºC
Minimum Temperature: 06:50 AM yesterday —– 26.0 ºC
Maximum Relative Humidity: 06:50 AM yesterday ——— 84 %
Minimum Relative Humidity: 12:50 PM yesterday ——— 50 %

High tide today: 11:07 AM ……… 0.78 meter
Low tide today: 05:59 AM ……… 0.01 meter
High tide tomorrow: 12:17 AM ……… 0.53 meter
Low tide tomorrow: 04:51 PM ……… 0.27 meter
Sunrise today: 05:48 AM
Sunrise tomorrow: 06:08 PM
Sunset tomorrow: 06:09 PM

Tags: , , , , , ,