LP, nakatakdang pangalanan ang kanilang 2019 senatorial candidate

by Radyo La Verdad | September 25, 2018 (Tuesday) | 3165

Nakatakdang pangalanan ngayong umaga ng Liberal Party (LP) ang kanilang 2019 senatorial candidates.

Inaasahang dadalo sa Partido Liberal National Executive Council meeting ngayong araw si dating Pangulong Benigno Aquino III, Vice Presidente Leni Robredo at iba pang LP senators at congressmen, mayors at sectoral representatives.

Maliban sa senatorial slate, inaasahang tatalakayin din ng LP ang   isyu sa kaso ni Sen. Leila De Lima, isyu sa ekonomiya ng bansa at iba pa.

Tags: , ,