Lower House susubukang ipasa ang BBL sa Feb 3

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 10040

AD-HOC-Committee-Chairman-Rufus-Rodriguez
Ilang araw na lamang ang natitira sa kamara upang matalakay ang mga mahahalagang panukalang batas sa ilalim ng 16th Congress.

Sa February 3 ang huling araw ng session ng kongreso at magiging abala na ang mga kongresista sa papasok ng campaign period sa February 9.

Kaya naman sa huling pagkakataon ay nakiusap si AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez sa kanyang mga kapwa kongresista na pumasok upang makabuo sila ng quorum.

Ito ay upang masimulan nang pagusapan ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR o mas kilala bilang BBL

Ayon kay Rodriguez nais niya na pagusapan ang bbl simula alas 4 ng hapon hanggang madaling araw upang magawa nilang ipasa ang panukalang batas sa huling araw ng sesyon sa February 3.

40 probisyon na ang inalis ng lower house mula sa orihinal na bersyon ng BLBAR/BBL.

Kabilang na rito ang otp-in, pagtatatag ng bangsamoro police, pagbuo ng COA, COMELEC, Civil Service Commission at Ombudsman sa bubuohing Bangsamoro Autonomous Region.

Subalit ayon kay Magdalo Party list Rep. Gary Alejano na isang dating sundalo, hindi dapat magmadali ang House of Representative na ipasa ang BBL dahil hindi pa nasasagagot ang lahat ng tanong sa pagkamatay ng SAFV44.

Dahil sa Mamasapano incident nagkaroon tuloy ng duda sa sinseridad ng MILF.

Kung maipapasa aniya ang BBL parang binibigyan pa ng reward ng gobyerno ang MILF sa halip na kasuhan ang mga miyembro nito na sangkot sa pagkamay ng SAF troopers

Subalit ang liderto ng House of Representatives kumpiyansang magagwang nilang ipasa ang BBL sa kabila ng kaliwat kanang kinakaharap ng problema at sagabal.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: , ,